Friday, January 1, 2010

Borrowed Chance

Tandang-tanda ko pa ang sinabi nila papa at mama…”Anak, huwag ka muna mag boyfiend, mag-aral ka muna, pasasaan ba pag nakapagtapos ka na mamimili ka na lang sa mga lalaking yan…”

Heto, ako nakapagtapos na nga ng college with flying colors pero NBSB pa din. Sayang ang ganda at talino. 

Waley naman nagkakagusto. Hmmp, saan na nga ba ang mga lalaki mama? Papa? Bakit wala sila Pano ba naman kasi kung nilandi ko din ang james na ‘yon, hayan tuloy di na nakapaghintay. Kumusta na kaya siya? 

Sila pa kaya? Masaya kaya siya? Naalala pa kaya  niya ako?

Hayan, natapos na din ang buong araw na pagtatrabaho sa opisina, makauwi na nga…

Wow ang gara ng kotse ha, sports car kalian kaya ako makakasakay sa ganyan. Malapitan nga. Ayy, nasesense kong pogi ang may-ari. Naku makasibat na nga… (bago pa man makatalikod)

“Hi devon, mind if I take you home?”
Oh-em, Devon daw oh…Boses pa lang ulam na…tao ba yang nagsasalita?

“Sure, why not…ay este…wait…” (tuluyang humarap sa lalaking tumawag sa kanya…)  

“James?!?”

“Yes it’s me…Hi!”

“How come you’re here? Ahmm…”(stuttering)

Naman, masyado ba akong matanong Papa Jesus? Nakulitan ka ba sa akin kanina at ganito kabilis ang sagot mo?
(Binuksan ni James ang pinto ng kotse)

“Come on, let’s talk while on the way home, I bet your mama and papa are waiting for you now…”
Ano ba to nangangatog ako, nanghihina ang tuhod ko…

Si James Reid ang First crush, first suitor and first love ko…kaya lang sympre masunurin akong anak kaya ayon…binasted ko siya at sympre di lang naman ako nasaktan…kundi sobrang nasaktan.
Ano ba to, pepe na ba ako?

“So how are you?” tanong ni james habang sinusulyapan ako…”I’m glad I found the right address of your office…It is so nice seeing you now after all these years…you still look good…”
Ngiti lang naisagot ko…nanghihina tuhod ko…ang mata niya, ang ngiti niya, ang mga labi niya!!! Waaaaaah!

“Ah, eh, same here!”
sabay ngiti…ayun same here daw oh…Tyeet naman eh! Waley, nabaluktot na ata dili ko…ano ba ‘to? Papa Jesus naman eh, hindi ako prepared.

Nakarating na lang kami sa bahay, iyon at iyon lang ang mga katagang nasambit ko, hay naku, napaka articulate ko noh? Ganito ba talaga pag nasa tabi mo na ang lalaking matagal mo na gusto Makita? Nakakabobo ba talaga?

“Ahhm, pasok ka muna James, dito ka na magdinner!?!”…finally nakapagsalita din ng diretso…

“Oh, really…sure…”

 “Ma, Pa may bisita po ako…si james po hinatid ako…” nahihiyang pakilala ko sa mga magulang ko…parang teen ager lang ako…

“James? James Reid? Ikaw na ba yan? ‘yong, yong…”

“Ma, Opo, siya po. Dito po siya kakain ha…Kain na tayo ma?”

Si mama, mukhang excited din. Pati si papa abot tainga ang ngiti. Kasi naman, alam nila kung gaano ko kagusto si James. Kahit strikto wala akong tinatago sa kanila.

Natapos ang pinakamahabang dinner sa buhay ko. Umuwi na si james pero sympre kinuha niya number ko…ayieee.

1 message received…

“Hi, thanks for the dinner kanina…ang sarap :)!Looking forward for next time”

I replied…

“Walang anuman! Wala ng next time :P”

Ayieee, parang 16 years old ba? Waaah! Kinilig ako kung alam niyo lang…

Sana sumulpot siya ulit bukas at sunduin ako sa office…Naman sige na Papa Jesus ready na akong lumandi. 
Ito na ‘yon eh. Hmmp, bakit kaya niya ako sinundo at hinatid kanina…Bigla na lang sumulpot. Eh, ang huling balita ko sa kanya nasa Australia siya with his singer model GF. Iyon kasi pinalit niya sa aking noong binasted ko siya.

1 message received…

“Good morning! :P, can we have dinner this Sunday? My treat…”

“Magandang Umaga po :P, dinner? Date? …”

“If that’s how you call it!:P, ok, then, See you…I’ll fetch you! :)”

“I didn’t say yes yet!:(“

“See you!:P”

Huh?ano yun, nagpapakipot pa nga eh, di man lang ako pagbigyan…Yehey my date ako…Mama , Papa my date ako sa Sunday! Waaaah!

Sunday…sympre, nagpaganda ako, nagpabango, ginamit ko ang Mac Lipstick ko na pang display lang sana…killer heels, mini printed casual dress…Ang ganda ko lang :)

“Ma’am Devon, ready na po ba kayo?”

“Ah, eh, si james po?”

“Pinapasundo niya po kayo, kasi may inasikaso lang po emergency…”

“Ganun po ba?”

Nalungkot ako bigla…imagine ko pa naman sana na sasabihin niya…”You look good, you really look good devon”…hay naku…asa pa ako.

Dinala ako ni manong sa isang restaurant at Hill Top kung saan tanaw ang buong metropolis…The table is set…kaya lang wala pa si james…saan na kaya ‘yon…

“Flowers for a pretty young lady…”

“Wow, thank you…”

“you like it?”

“Yes of course…”

“Sorry I’m a bit late…Anyway, you are beautiful!”

“You too, you look handsome…”

“Thank you…So is this how casual we are with each other…I did not look and wait for you this long just to say Hi and Hello”

Anu daw…ngiti na confuse lang ako…

“The moment I knew you already finish college and now working, I hurriedly went home…After all these years, it is still you devon…”
Naku naman ang bilis ha…pwede ba ligawan mo muna ako ulit ng matagal…Kainis naman to…ngayon lang nga tayo ulit nagdate…mukhang sasagutin na kita agad.

“ahh,honestly…hmm, y you saying that…you have a girlfriend right?”
Wala na naman akong matinong tanong…

“Yeah, I had a lot…after you said no to me…But that was before…now I realized after that there is only one girl I treasured the most…I keep on longing to see and now that I found you back…I guess I don’t want to let go…”

“James, how can you say those words, that fast…We haven’t seen each other for years …”

“Tell me, don’t you feel the same way I do?”

Hayan, na…tinatanong pa ba ‘yan…kaya lang kasi…ang bilis parang bullet train lang…wait, kurotin ko muna pisngi ko…baka naman bangungot lang ‘to…

“Kasi james, ahm-eehh…”

“Devon…will you marry me?” (sabay abot ang isang 24K white diamond)

Waaah, diba pwedeng “can you be my girlfriend” muna? Nagmamadali ba itong si Jaime? Papa Jesus, may kinalaman ka ba dito?

“James…Huh..” (pinakawalan ko ang hangin na nagdadala ng tension…)

Nakatitig ang mapupungay niyang mata sa akin…
“James, Yes! Sure!”

Parang di ako nag-isip doon ahh…easy to get ko talaga…di ko alam…eh kasi pano kung di na niya ako eask ulit…kaya grab ko na lang ang opportunity…

After that night ang saya naming. We shared quality time together. He cooks for me. We traveled. We have funny and long conversations.

We were supposed to get married in two months…But suddenly…

1 caller…

“Babe, can’t fetch you tonight, ‘m on my way to a dinner can you just ride a taxi home?”

“Ok Babe, I will, Take care ok. Love you…”

“Love you more babe…”

….Those were the last words he said over the phone…The next scene was him in the ICU…full of blood, unconscious…after a few try of reviving him…His heart came to rest…It was that fast.

The end…

Wattpad : http://www.wattpad.com/2686218-borrowed-chance?p=2

No comments:

Post a Comment