Wednesday, December 2, 2009

All These Years (Jaevon FF)

Nagmamadaling binuksan ni Jaime ang kanyang laptop at nag browse sa nakabookmark na website.

"Sana may update siya..."

Nag-open din ng twiiter at madaling nakuha ang atensyon niya sa tweet ng taong matagal niya ng
sinusundan.

Kahit hindi niya ito pinafollow alam na alam niya ang user account nito. Ito lang din ang dahilan bakit
nagregister siya sa twitter.

"@Devon2dWorld Packed for bukas...I really need this. Thank you Lord sa lahat ng Blessings >3<!!!"

"Packed? Aalis siya? Saan naman kaya siya pupunta..."

Mga tanong ni Jaime na di niya pa masagot...until he read one of Dev's post in her blog...

"...I don't know what is happening with my life right now. But I definitely deserve a peaceful mind. Well,
gotta grab my chance to visit Batanes. Maybe, I can stop thinking of what is bothering me right now.
And I can finally get away from my busy stagnant life...Promise guys, I will be posting photos you will
surely love...This is it for now! Idle for five days! Be a blessing everyone!"

Magkababata si Jaime and Devon. The last time they were able to communicate was through text, 5
years ago. Exchanging Hi's and Hello's yun lang din tapos wala na.

But they are not ordinary childhood friends. At the age of 12, Jaime told himself, Devon will be the most
special girl for him. Puppy love kung baga. Devon felt the same way. Kaya lang di nila napag-uusapan
kasi nga bata pa sila ang di never tried talking about crushes even once. Jaime is very vocal on how
he looks at Devon. He admires her being fine, funny, intelligent and pretty girl. She admires his being
gentleman, protective and handsome boy.

Magkapitbahay ang Lola ni Devon at ang Family nila Jaime. Nagbabakasyon si Devon paminsan-minsa sa
bahay ng lola niya sa province. Doon sila nagkakilala. Mayaman ang pamilya ni Jaime pero pinili nilang sa
province mag elementarya si Jaime.

They grew just thinking about each other and never have the courage to communicate about how they
feel for each other. At umayon naman ang panahon. High school to college they have seen each other
few times but still they just looked at each other and never uttered what are in their minds.

Ano nga ba nasa isip nila?

In one of Devon blog entry...Mahilig mag blog si Devon, social Networks…sa ganitong paraan siya
nakikipaghalubilo sa ibang tao…Di naman kasi siya lumalabas…

"There's this girl who never had a boyfriend or a suitor. She keeps on asking herself why. She looks
good, she's intelligent, not fat but no one got the interest to court her. She does not know if she will
be thankful about it because she was able to finish college and have a good job or sad because she felt

empty in one part of her life...But she knew from the start why...Ever since there is only one guy she
love to end up with. She does not know how, when or will it happen...She just keep on praying that God
will hold his hand and eventually connect it with her...I think I know who he is...I hope he knows that his
the one ever since."

Lahat ng blog entry ni Devon binabasa ni Jaime. Kahit di sila nagkakausap alam niya mga wherabouts
ni Devon, her interest, her work, her life. Kung paano? Simply lang, he keeps an eye on her since
he was able to do it. Lahat ng pangarap niya para lang kay Devon. Iyon nga lang di alam ng huli ang
nararamdaman niya.

Torpe at takot na baka after all these years, after all he have done for her, eh, mabaliwala lang.

Until...

"Hello Tita Ann, can you do me a big Favor? Please try to look if there's Julie Anne San Jose in the
passengers list heading to Batanes tomorrow? If there is, kindly book me a flight with the same
schedule...and the seat next to her...please...please!!!"

Sa haba ng sinabi ni Jaime at sa pagkabigla ng tita niya di man lang ito makasingit...

"Wow, finally...is now the right time?"

"Tita...", sabay kamot sa ulo…

"Ok, fine...wait for awhile, di lang kita mahal eh"

Jaime is the only son, he owns one of the major stocks in an airline company. He owns it kasi mula ng
nakapagtapos siya ng pag-aaral, naging architect nilipat na ng kanyang daddy lahat ng assets nila sa
pangalan niya...

"Thanks tita, I owe you a blueberry cheesecake..."

"Sinabi mo yan ha, well, she's on the earliest flight tomorrow…well destiny made it for you, there is one
seat available but it's not closer to her seat... Booked you already...Happy?!"

Natawa si Jaime sabay sabi...

"Yes, you're the best tita! I love you!"

"Nah, I'm glad you finally find courage to go after her...I just hope this time, masabi mo nah..."

Aside sa mommy and daddy ni Jaime si Tita Ann niya ang lahat ng may alam tungkol sa mga
nararamdaman niya. Lagi niya itong kinukwento...Kahit ang daming pwedeng maging girlfriend si Jaime,
alam ng tita niya kung bakit mas pinili nitong maging, NGSB...

Hinanda na ni Jaime mga gamit niya for Five days with his special girl. Tinitingnan niya ang unang salary
investment niya...

"There is no turning back this time, it is now or never...I'm gonna hand you this beautiful 24k diamond
ring and definitely seal it with our first kiss..."

Kinabukasan...

Nagawang makipagpalit ng seat ni Jaime sa magiging katabi sana ni Devon...Well, he used his charm to
do it...

Napalingon si Devon sa katabi niya dahil sa pamilyar ito talaga...Tinitigan niya hanggang sa…

"Jaime..."

mahina niyang sambit na nagpalingon kay Jaime...

"Hi!"

wave with a big grin in his face...kasi naman di ba di nga siya naghanda para dito...

"Hello...what a coincidence...dito pa kita nakita...I mean nagkita tayo...ahmm"

Halatang tense na sambit ni Devon...

"Wow, di kita nakilala. So you're heading to Batanes?"

Natawa si Devon...

"Obviously...unless this is for other destination..."

Napakamot ng ulo si Jaime at napangiti na lang...

"oo nga naman...sabi ko nga!"

Pareho silang natawa…

Nabalot ng katahimikan ang buong oras ng byahe. Nagpakiramdaman ang dalawa.

Di pa rin makapaniwala si Devon na makakasabay niya sa eroplano si Jaime. She needs this vacation to
get away from being drowned with her dreams about the man he really want to be with...

Yet, ito ang nangyari...

"Oh-em, bakit siya nandito...Diyos ko, ano kinalaman niyo dito? Is this a sign? Ito na ba ang sign na
dapat na akong lumandi? Lord, di ako nakapaghanda...Haggard nga ako oh...Naman kung alam ko lang
nagpaSPA sana muna ako...Kayo na man Lord eh! Di nagpapasabi..."

Napangiti na lang siya sa kanyang mga iniisip…

Wala pa rin silang kibuan hanggan sa makarating sila sa Basco Airport , Batan Island Batanes…Devon and
Jaime both had their reservation at Batanes Resort. Sympre alam na din ni Jaime na sa resort na ‘yon

mag stay si Devon.

Sa tagal nilang di nagkita at makapag-usap parehas nilang di alam kung ano ang sasabihin sa isa’t isa.

“So, sa Batanes resort ka din?”

Tanong ni Devon kay Jaime sa loob ng transport van ng resort, bilang nabibingi sya sa ilang oras nilang
walang kibuan…

“I think so, obviously…unless hindi sa Batanes Resort itong Van?!?” kunot noon napangiti sa hirit niya…

“wah. Oo nga naman…” napayokong sagot ni Devon…

“Andito na pala tayo…wow, nice please…”, pagbungad ni Jaime sa kabuuan ng resort…

“OO nga, well, I guess see you around Jamezkie…”

Paalam ni Devon kay Jaime. She’s feeling awkward kasi. Di niya maintindihan. Tanging pasulyap-sulyap
lang nagagawa niya kanina sa mukha ni Jaime. Gwapo pa rin Kasi…

Ganun kasi tawagan nila bilang childhood friends...Napangiti ng wagas si Jaime ng marinig niya ang
tinawag ni Devon sa kanya.

“Ah, Ok see you around DevonzKie”

Bilang alam na alam niya ang room number ni Devon…

“Naalala niya pa pala…(love sigh)”, sa isip ni Jaime habang titingnan ang papaalis na si Devon.

Dahil wala naman talag siyang gagawin sa buong trip na ‘yon kundi ang misyon niya lang kay Devon,
madalas siyang nakaabang sa next activity ni Devon.

There is actually a hill located at the back of the cottages in Batanes Resort at doon nagtungo si Devon
bandang hapon matapos makapagpahinga. Kita kasi ang magandang view ng buong Isla sa banda roon.
Since blogger siya nabasa na niya ang mga info tungkol sa island.

“Ang ganda, relaxing…”,

Nakaupo si Devon sa damohan, habang nilalasap niya ang fresh air at binubusog ang sarili sa magandang
tanawin. Di pa rin mawala sa isip niya ang pagkakataon niya makasabay sa trip na ito si Jaime. Daming
tanong sa isip niya. Gawa ng dati ang Panginoon pa rin ang tinatanong niya…

Di niya namalayan na palapit na pala si Jaime…

“Mesmerizing, nakakawala ng pagod noh?” tumabi kay Devon…

“Ay langaw na nakapatong sa ilang ng kalabaw...” Gulat na tugon ni Devon…

“Manggulat bah? Feel ko na sana ang moment eh…ano ka bah!” sabay hampas sa braso ni Jaime.

Natawa na lang si Jaime sa reaksyon ng dalaga…

“Teka nga, ano pala ginagawa mo dito sa Batanes? Seryosong tanong ha…so seryosong sagot sana ang
ibigay mo…” , curious question ni Devon…

“Business trip... ikaw?”

Balik na tanong niyo kay Devon, kahit alam niya na ang sagot…

“Vacation trip…”

“Ahh, wow, pabakasyon-bakasyon ka na lang pala ngayon ha…”

“Ganyan talaga eh…kumusta ka nap ala mommy at daddy mo, si Tita Ann?”

“Mom and Dad are in Europe Tour, wala na kasing batang aalagaan…si Tita ayon single pa din…gaya
ko…”

“hahaha, weeeh di ngaaa?” di makapaniwalang sagot ni Devon…

“Weh, di nga ang alin? Na single pa din ako? Ehhh, ikaw ba double nah?”

“Single din…” nakapout lips na sagot ni Devon…

Namiss nila ang usapang ganito…asaran, ngitian…at parang wala lang…

“Tagal na pala nating di nagkita noh, namiss ko ‘to…” nakatanaw sa malayong sambit ni Jaime

Tanging ngiti lang ang sagot ni Devon. Pilit tinago ang kilig na gaya ng dati, kilig sa konting ka sweetan ni
Jaime. Sweet na para sa kanya ang “miss ko ‘to”. Sa kanilang dalawa mas open si Jaime, pero hanggang
miss ko ‘to at ang ganda mo lang ang kaya niyang sabihin the rest…nilalagay na lang niya sa baul…

Ang unang gabi ang nilaan nila pareho sa pagpapahinga…Sarap naman kasing matulog sa lugar na ‘yon.
Kahit ngalalaro sa isipan nila ang mga bagay na dati pa nilang gusto mangyari sa isa’t isa mas pinili nilang
ipagpahinga na lang ito.

Kinahapunan na lumabas ng kwarto si Devon…tinatamad siya at parang di niya feel ang araw na ito.
Paglabas niya ng resort, nakita niya si Jaime na nakasakay sa isang biseklita na papalapit sa kanya.

“Devzkie, may activity ka ba ngayon?” nakangiting tanong ni Jaime…

“Wala naman maglalakad lakad lang sana…bukas na ako mag tour ng todo…”

“Biking tayo…tara!” , Yaya ni mo ng mapansing nakataas lang kilay ni Devon.”

“Huwag mong sabihing until now di ka pa rin marunong mag bike Devonzkie?”

“Oo eh, sige ikaw na lang”

“Talaga? wow, interesting…well then, angkas ka na lang sa likod I’ll take you somewhere nice talaga…”

“Ozz, talaga?sige na nga sabi mo eh” mabilis na sagot ni Devon…kasi sa isipan niya ngayon pa ba siya
hihindi sa pagkakataong binigay ng Diyos na makasama si Jamezkie niya…

Lingid sa kaalaman ni Jpas nagkapaghanda na pala si Jaime ng isang late afternoon picnic para sa knaila
sa may paanan ng bundok malapit sa isang light house…Doon niya dinala si Devon na sakay sa likod ng
bicycle niya.

“Wow, sa atin ba an?” , amazed na tanong ni Devon kay Jaime…

“OO, pinahanda ko kay kuya kanina, Batanes delicacies plus the fascinating scenery of Batanes…”

“Sarap ng buhay…eh ano ba okasyon? Teka birthday mo? Diba tapos na birthday mo…”

“Haha, eh di birthday mo…”

“Birthday ko? Hala, birthday ko eh ano bang date ngayon?”

“Wow, sakit na yan sariling birthday mo di mo maalala”

“Oh-em, birthday ko pala ngayon…Naku naman, nakakahiya”

Nakasanayan na ni Devon na ordinaryong araw lang ang birthday niya. Simula ng tumuntong siya ng 15
years old di na siya nag papahanda sa birthday niya. Sapat na sa kanya na batiin lang sya ng mga kakilala
niya.

“Thanks ha, di kasi ako sanay na naghahanda pag birthday ko…nakaOff din phone ko kaya nakalimotan
ko talaga…naalala mo pala”

“OO naman, di ko naman nakakalimotan eh, kahit kalian…”

“Ozzz, bakit di mo ako na greet nong mga nagdaang birthday ko? Kahit friend tayo sa FB di ka man lang
nagmessage..”

“ahhh, ehhh…kaya nga bumabawi eh”

“Well, thank you ha…wow!” …di pa rin makapaniwala…

“Devonkie…”

“Meron pa palang isa…”

Kinuha ang isang maliit na box at binigay kay Devon.

“Para sayo…”

“Ano ‘to?...I mean Wow para saan ‘to?”

“Hmmm, can you let me speak straight without any interruption, ok lang? I just need to get through all
this thing baka di ko magawa…”

Diridiretsong sagot ni Jaime na halatang kinakabahan sa nagtatakang nakangiting nakikinig na si Devon…

“First and foremost, that’s the ring I bought from my first salary, para sayo ‘yan…Mula pa noong bata
pa tayo, my gusto na ako sayo…Kaya lang di ko alam pano sabihin at kahit kaya kitang hagilapin kung
gugustuhin ko lang gaya ng ngayon ay di ko pa rin nagawa… Kaya ang araw na ito ang pinaka special na
araw ng buhay ko. Di lang dahil sa birthday mo…kundi dahil gusto kong sabihin na, I Love You!”

Nangingilid ang mga luha sa mata ni Devon…at napayakap na lang siya kay Jaime.

“God knows how much I long for this moment to come…alam mo bang all those years, I have sleepless
night thinking and hoping you will come to me and say that you love…”,

Hinarap niya si Jaime at nilapit ang mukha niya dito…

“Dami kong gustong itanong at sabihin sayo…pero I guess…this is the only thing I should do…” hinalikan
ni Devon si Jaime…

And they stayed that way…

The end….

Baka di ko na matapos ehhh…

No comments:

Post a Comment